Thursday, June 24, 2010

flip is normal (ep 4) - "purita mirasol"

cast:

ang mga purita mirasol



MIYERKULES... one week before "payday"


umaga...

purita mirasol 1: Hon, palit tayo ng EZ link ha.
purita mirasol 2: oh...(naalimpungatan)

isang oras..

pagtap ni purita mirasol 2 sa bus..wala na load EZlink wah! kaya naman pala!!!
buti may barya sa bulsa.


magtatanghali...

purita mirasol 3: san kayo sa weekend?
purita mirasol 4: ay may plano ako...
purita mirasol 4: ang plano ko ay magstay sa bahay!!!
iniisip ko pa kung pano pagkasyahin ang budget ko ngayong weekend.pecha de peligro!!!
purita mirasol 3: swimming tayo sa Saturday.
purita mirasol 4: okay tanungin mo ang may mga swimming pool.just lemme know.

(later)
purita mirasol 3: yehey!! tuloy on Saturday.
gusto nyo p daw b ng bbq pit???
potluck dba?

purita mirasol 4: haaaaaaaah??? nakakaloka ka magyaya??
weekend before sweldo??? kasasabi ko lang ala ako anda!!!

(wala reply)

nag-beep ang fone...

(SMS) Hello mga berks! :D alam ko lahat tayo mga naghihingalo na ata patapos na ang buwan (yung iba nga 2nd week pa lang...nayahahahha!)... pero baka kaya pa natin magsamasama sa Saturday afternoon for swimming @ che's. magdala lang kung meron at kaya pang magdala, kahit pansarili lang at panigurado naman walang magugutom sa tin...See you!!

reply ng mister ni purita mirasol 3: may pera ka paaaaaaaah??!!!
reply ni purita mirasol 4: ang sakit ng ulo ko!!!


pagkatapos...

purita mirasol 4: pren!!!
purita mirasol 2: pren!!!
purita mirasol 4: anong petsa na ba?!!
purita mirasol 2: waaah!! petsa de peligro!!
purita mirasol 4: oa kayo magyaya!!!
purita mirasol 2: e sino ba may pasimuno?!
purita mirasol 4: sumasakit ang ulo ko!!!!
purita mirasol 2: ni pang yosi wala!! $30 nalang laman ng wallet ko..ganun din si purita mirasol 1!!
purita mirasol 4: eh ako nga $50 til katapusan. hati pa kme ni purita mirasol 5!!! amp!!
purita mirasol 2: di pa naman sure yong bbq pit!
purita mirasol 4: wag mo nang siguraduhin!! ahahaha.. sabotahe.
purita mirasol 2: ahahahaha
purita mirasol 4: pren..pag may bbq may pork..pag may pork may chix..etc..pag may inihaw may beeeeeer!!!!
and so on....so how ah?!
purita mirasol 2: ahahahha..korek..
purita mirasol 4: ang mega nagrereact ang mga may bisyo..ahahha!!!

uwian...
purito mirasol 5: Me yosi sa Bahay?
purito mirasol 5: Yosing yosi na ako. Para akong NASA rehab.

purita mirasol 4: ahahahahah
purito mirasol 5: Di nga meron b? Me nakikita na akong baby sa kisame. (naghahallucinate?!)
purita mirasol 4: busit ka
purito mirasol 5: Meron b o wala? Para makapanghingi ako bago umuwi.
purita mirasol 4: sindihan mo yung mga uposupos don..baka meron pa..ahahah

mayamaya...

purita mirasol 6: gurl!!! bbq daw sa Saturday!!
purita mirasol 4: korek!
purita mirasol 6: naku..buti nalang at may pasok ako..ttry ko nalang sumunod.
purita mirasol 4: ako parang may sakit ako non!
purita mirasol 6: ahahha..wala na akong budget. baka nga pag wala nakong EZlink e mag MC nalang ako kse
di nako makakarating ng opisina.
purita mirasol 4: ahahahahhahaha...
tapos..
purita mirasol 3: bakit ba iisa ang mga reaksyon nyo?? sinabi ko lang bbq eh ang sagot nyo wala kayong
pera??
purita mirasol 4: ofcourse..we are just trying to see the big picture. bbq means partei!!!
purita mirasol 3: kaya nga hindi ko na sinabing party eh..para hindi kayo magulantang..
purita mirasol 4: akala mu lang yon!!! ahahaha..nakakalungkot..
purita mirasol 3: wag ka na malungkot...sige buy ako isang bote ng coke..share mo..
purita mirasol 4: ahahah.parang yong $10 lang yan na pinaghatian pa nating 3.
purita mirasol 3: ahahahha..

gabi...

purito mirasol 5: EZ link nalang ang bumubuhay sakin...teka..pwede EZ link sa Mcdo di ba?!
purita mirasol 4: oo..eh kung abot yang load mo.
purito mirasol 5: oo..may $40 pa to e.
purita mirasol 4: (sigh) buti ka pa may pang Mcdo!

purita mirasol 5: tuloy yong sa Saturday? anong share natin??
purito mirasol 4: iniisip ko nga eh..di na aabot budget natin til next week.
purita mirasol 5: abot yan!! teka, e iluto nalang kaya natin yong mga (instant) pancit canton dyan, yon
dalhin natin??
purito mirasol 5: oh kanin na lang kaya??
purita mirasol 4: oh kaya patatas na lang! mura lang ang patatas di ba.
purito mirasol 5: anong gagawin mo sa patatas??
purita mirasol 4: basta!!
kinabukasan..
purito mirasol 5: penge naman baon.
purito mirasol 4: naku last money nato. papalitan mo muna at wala na rin ako cash. ($50)
purito mirasol 5: kahit barya lang..(naghalungkat)...o pwede na to, pang-kape.



sa mga hindi makaintindi:

purita mirasol: adj. poor; walang pera.

petsa de peligro: noun. araw kung kelan ang budget ay nashshort na bago magsweldo.

EZ Link: noun. card na may load ginagamit sa pagbayad pagsumasakay ng mrt at bus sa SG.

MC: noun. absent dahil sa sakit.

swimming + bbq = party!!!!

barkada + weekend = party!!!

party!!! = gastos!!!


iniisip ko na lang....

hindi ako nag-iisa...(nyahihihihi)

No comments:

Post a Comment